Nawala Pero Nakita
Minsan, nabahala kaming mag-asawa nang aming mabalitaan na nawawala ang ina ng aking asawa. May sakit pa naman ang kanyang ina ng pagkawala ng alaala. Iniisip namin na nagpalaboy-laboy siya o sumakay ng bus para umuwi. Habang iniisip namin ang maaaring mangyari sa aking biyenan, idinalangin namin sa Dios na makita namin siya.
Makalipas ang ilang oras, may nakakita sa aking…
Mahalin ang Kapwa
Dumadalo ako sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus na nasa isang malawak na damuhan. Madalas mong makikita sa bansang Singapore ang ganitong pinagtitipunan. Minsan, may mga dayuhan na nagtatrabaho sa aming bansa ang gumagamit ng aming lugar. Nagpipiknik sila roon tuwing linggo.
Sa pangyayaring iyon, may ilan sa mga kasama ko na dumadalo sa aming pagtitipon ang nainis. Nakita kasi…
Ibinabangon ng Dios
May bumisita sa amin noon na isang grupo ng mang-aawit sa pagtitipon naming sumasampalataya kay Jesus. Damang-dama namin sa pagkanta nila ang masidhi nilang pag- ibig sa Dios. Mas naunawaan ko kung bakit ganoon kainit ang pagpupuri nila nang sabihin nila na mga dati silang bilanggo. Ang kanilang pagpupuri ay patunay na kayang ibangon ng Dios ang mga dating lugmok…
Alam ng Dios
Nakilala ni Denise sa pagtitipon nilang mga nagtitiwala kay Jesus ang isang babaeng lugmok sa problema. Naawa si Denise kaya tinulungan niya ito. Linggu-linggo siyang gumugugol ng oras para payuhan at manalangin kasama niya. Pero kahit siya ang tumutulong sa babae, hindi iyon napansin ng mga namumuno sa kanilang pagtitipon kaya humanap sila ng ibang tutulong sa babae. Pero walang…

Pagsasanay
Nang minsang nagsasanay ako para sa sasalihan kong paligsahan, pakiramdam ko’y bumagsak ako sa isang pagsusulit. Kalahati kasi ng dapat kong takbuhin ay nilakad ko lang at may pagkakakataon pa na umupo lang ako.
Napanghinaan man ako ng loob, naisip ko na hindi naman ito ang layunin ng pagsasanay. Hindi ito isang pagsusulit na kailangang ipasa at hindi rin kailangang makakuha…

Tabernakulo
Nagpunta kami ng aming grupo sa Disyerto ng Negev sa timog Israel kung saan makikita ang isang modelo ng tabernakulo. Kahit na hindi talaga totoong tabernakulo ang nakita namin, kahanga-hanga pa rin ito. Malaki kasi ang pagkakatulad nito sa tunay na tabernakulo.
Noong papasok na kami sa Dakong Banal at Dakong kabanal-banalan upang makita ang kaban ng tipan, nagalinlangan ang iba…
Tulad ng Ama
Hindi ba’t nakakatuwang makita na ginagaya ng mga bata ang kanilang magulang? Madalas na may makikita tayo na isang bata na kunwari’y may hawak na manibela at ginagaya ang kanyang ama na nagmamaneho.
Ginagawa ko rin iyon noong bata ako. Natutuwa ako kapag nagagaya ko ng husto ang aking ama. At alam kong mas natutuwa siya dahil ginagaya ko ang mga…
